O ano, handa ka na ba?
---
Matagal na rin ano, matapos ang huli kong pagsulat dito. Paano ba naman, eh, ‘di na ako magkanda-ugaga sa pag-babasa ng mga kwento para sa Lit13, pagsusulat ng mga lab report na kailangan sa Chem8, pagbabalik-aral para sa mga sunud-sunod na pagsusulit sa Ma18a, Chem7, Chem8 at Lit13 nitong nakaraang mga linggo. Nakakabanggag kaya – hindi ko na nga halos masuklay ang rebelde kong buhok at ‘di ko na nabibigyang-pansin kung bagay ba ang mga sinusuot kong damit. Oo, ganun ka-lala.
---
Matagal na rin ano, matapos ang huli kong pagsulat dito. Paano ba naman, eh, ‘di na ako magkanda-ugaga sa pag-babasa ng mga kwento para sa Lit13, pagsusulat ng mga lab report na kailangan sa Chem8, pagbabalik-aral para sa mga sunud-sunod na pagsusulit sa Ma18a, Chem7, Chem8 at Lit13 nitong nakaraang mga linggo. Nakakabanggag kaya – hindi ko na nga halos masuklay ang rebelde kong buhok at ‘di ko na nabibigyang-pansin kung bagay ba ang mga sinusuot kong damit. Oo, ganun ka-lala.
Hep-hep-hep!
Hindi ako nagrereklamo, nagpapaliwanag lang...ikaw ha, hmm, masama yan. Kahit nakakapagod ang kolehiyo, wala talagang makakapantay sa mga karanasan na doon lang mararanasan. Isa na dito ay yung mga iba’t ibang programang pangkasiyahan na kakaiba ang lebel kumpara nung hayskul. Matapos ang OrSem, eh, ito namang Sagala ng mga Sikat ang inatupag ko at ng iba pang Atenistang kumukuha ng Filipino.
Sikat? Hindi, hindi artista ang tinutukoy ko rito (pero hindi rin maiiwasan na talagang magningning ang kanilang mga bitwin nung araw na 'yon) pero ang Sagala ng mga Sikat ay isang patimpalak na kumikilala sa mga likhang tambalan sa literaturang at popular na kulturang Pilipino. Sa mismong araw ng Sagala, 24 lamang na klase ang pinili na makasali. Ayun, pinalad (o minalas? Hindi ako sigurado) na makasama ang klase namin sa araw ng Sagala sa katauhan nina Daragang Magayon at Handiong mula sa Alamat ng Bulkang Mayon. Sobrang nakakapagod ang paghahanda para sa presentasyong ito dahil naranasan ng aking mga ka-klase sa Filipino na 1.) Magsiksikan sa isang maliit na waiting shed, 2.) Mabasa sa ulan mula ulo hanggang paa, 3.) Magbuhat ng maraming kawayan, 4.) Magwalis ng malaking covered court, 5.) Gumupit ng alambre gamit ang regular na gunting, 5.) Mag-ensayo ng dula sa loob ng cafeteria na puno ng mga tao at marami pang iba na nung hayskul ay ikamamatay ko kung gagawin ko.
Edi ayun, dumating ang Agosto 27 at natuloy ang Sagala. Syempre, bongang-bongga ang mga preparasyon – nabigyang-buhay sina Malakas at Maganda, Sarah at Lavinia, Marina at Dugong, Varga at Valentina, Manananggal at kanyang Katawan at marami pang iba. Aliw na aliw ang mga manonood hindi lang dahil sa mga pinaghandaang arko at mga kasuotan, pati na rin sa mga maikling dula (na pinasinayaan rin naman ng mga tunay na ‘sikat’). Ayon, nang ang klase na namin ang kailangang magtanghal, parang wala ng mga tao sa paligid. At pagkatapos ng 2 minuto, bumalik na uli ang ingay ng ibang tao. May ilan rin namang bulilyasong nangyari pero ganoon talaga. Salamat na lang at mabait ‘yung guro namin sa Filipino.
Iyon na nga ang nangyari. Syempre hindi ko na maikwento ang bawat segundo ng araw na iyon pero isa lang naman talaga ang masasabi ko -- walang madali dito sa mundo.
O, ayan, binasag ko na ng tuluyan ang English Campaign ng aking blog. Si Chan kasi ang pasimuno ng lahat ng ito! Hahaha, ‘di ako galit ah. Nakakapanghinayang lang pero sa tingin ko naman ay magiging oportunidad ito para maipahayag ko ang mga iniisip ko na mas magandang isulat sa Filipino.
Paano ba ‘yan. Kailangan ko pang tapusin ang Problem Set ko sa matematika. Sa muli nating pagkikita. Malay mo eh maisipan ko na namang magsulat sa Filipino.
Hanggang sa muli!
Allyne