Monday, December 06, 2010

the jlpt feel

JLPT is finally over.

After weeks, days, hours of (attempted) studying kanji, hundreds of vocabulary words and sentence patterns, I am thankful that it has finally culminated.

True, I was not totally confident about taking the N4 exam as I waited along the halls of De La Salle University. I did some sort of last-minute review but eventually gave up as the sea of people started to overwhelm me. Various voices filled my ears as I tried to distract myself from the anxiety and excitement.

I guess I'm a bit too tired to narrate in detail what happened. But the point is, I'm thankful for the opportunity. 'Twas a new set of experience. :D


Monday, September 27, 2010

crave

Perhaps it is simply human to be always wanting. The feeling of dissatisfaction would always come nagging from somewhere in the recesses of one's heart. A taste of something yearned for would not be enough -- you have to own it to quench that desire. It evokes all sorts of selfishness and self-gratification shunned yet secretly nurtured by society.

It's a craving that's almost clinical.

But who's sane enough to heal?

It's a craving that's almost criminal.

But who's not guilty enough to judge?

Monday, September 06, 2010

Warmth in Three

Hug.

It's that comforting warmth that wraps around you from another -- family, friend, lover.

But when you hold on to me a bit tighter, I'm not sure anymore.

I can feel your hesitation from the awkwardness of your limbs around me.

As I buried my face on your neck, I want to believe that you meant everything that you said.



Thursday, August 05, 2010

Early Morning Dilemma

7:34 am

I came to school so early in the morning, planning to study for my Kanji test tomorrow so that later today, I will just have to focus on my Physics exam review.

But you see, my plan obviously failed.

Here I am, randomly typing away on my laptop. Goshhhhh, I am suffering from too much need for procrastination. :| Yet I know all too well that I am hanging by a thread in almost all of my majors! Accounting, Physics, Epidemiology -- gosh, please don't kill me! :((

As of the moment, I can feel the mix of caffeine overload flowing through my veins -- result of drinking cups of green tea last night and a big mug of coffee this morning. I'm so dead. But I try to minimize my dosage of such chemicals as I don't want to feel the weakening after-effect when the caffeine leaves my body. Honto ni yabai yo!

For now, I fill my ears with perky party music to keep me awake. I hope this works!

While Usher and his posse shouts out "OHHHHHHHHHHH" on the background, I will attempt to finally study my Kanji.  がんばります!

(いやああああああああ!)

:((

Thursday, July 29, 2010

Pagninilay

Sa loob ng silid-aralan ng asignaturang Pilosopiya ko unang nakilala ang salitang meron.

Sigurado ako na matapos mong mabasa ang unang pangungusap ay tumaas ang iyong kilay. Parang imposible nga naman sa isang Pilipino na hindi alam ang salitang meron dahil sa sobrang dalas na magamit ito. Madalas nating itinatanong, "Anong meron?" kapag malungkot o kaya naman sobrang saya ng ating kaibigan. Kaming mga babae, bawat buwan, nagbubulungan sa isa't isa upang hindi marinig ng iba na meron kami. Talagang hindi mawawala ang meron sa pang-araw-araw na usapang Pilipino.

Pero, ano nga ba ang meron?

Simple lang naman ang meron.

Ang lahat ay meron. Ang wala ay meron.

Simple, hindi ba? Walang compound o complex sentences para lang ipaliwanag ang meron. Pero sa tiyak na kasimplehan ng meron nagmumula ang pagkalula. Sanay na kasi tayo na kumplikado ang lahat kaya nakapaninibago ang kapayakan ng meron. Aminado ako na hanggang ngayon, hindi ko pa rin naiintindihan ang kabuuan ng meron pero, tinatanggap ko ang meron dahil nararanasan ko ito.

Nangungusap sa atin ang meron, sa pamamagitan ng logos o kaya, salita. At sa pamamagitan ng salita nakikita at nauunawaan natin ang totoo. Madalas, akala natin na ang nakita natin ang logos ng karanasan na iyon. Maaaring nagkamali tayo ng pagunawa, pero tinanggap natin ang pagunawang ito bilang ang totoo at ibinahagi pa natin ito sa iba na tinanggap din naman nila. Sa kasong ito, ang sinang-ayunan at pinagbabahagiang totoo ay hindi totoo, kung hindi, ang katotohanan. Sa ideyal, iisa lamang ang totoo at katotohanan. Pero dahil sa kumplikado na ang sitwasyon, nahihirapan tayong mapag-isa ang totoo at katotohanan.

Paborito ko ang konsepto ng katotohanan sa Pilosopiya. Sa lahat ng mga natutunan ko sa Pilosopiya hanggang sa puntong ito, ang katotohanan lamang ang konsepto na nagpapakita ng kalayaan na ibinigay ng Diyos sa tao. Madalas kasing ihalintulad ang meron sa Diyos. Kung susundan ang ganitong pag-iisip, ang totoo ay galing sa Diyos pero maaari itong tanggapin at unawaain ng tao sa iba't ibang paraan. Sa madaling sabi, ang totoo para sa akin, ay maaaring hindi totoo para sa iyo.

Mula sa naunang kasipan tungkol sa katotohanan, gusto kong i-ugnay ito sa pag-ibig. Nitong mga nakaraang buwan kasi, madalas akong naguguluhan at nalilito dahil hindi ko naiintindihan ang logos na nais niyang ipahiwatig. Sa tipikal na obserbasyon, maaaring isipin na marahil espesyal din ako sa kanya. Pero nang talakayin namin sa Pilosopiya ang katotohanan, naisip ko, posible rin naman na ang totoo para sa kanya ay maaaring iba sa totoo para sa akin. Kaya siguro agad pumapasok sa isipan ko na marahil espesyal din ako sa kanyan dahil sa mga popular na katotohanan tungkol sa pag-ibig.

Dahil dito, naisip ko na hindi ko tuluyang malalaman ang katotohanan tungkol sa estado ng aming pakikitungo sa isa't isa kung hindi ko malalaman ang totoo sa likod ng kanyang mga aksyon. Walang saysay na pagurin ko ang aking sarili sa kakaisip ng mga posibleng paliwanag kung hindi ko mismo siya tatanungin. Dahil siya lang ang makapagbibigay ng sagot sa mga katanungang tumatakbo sa aking isip.

Alam kong ganito ang sitwasyon. Alam ko ang kailangan kong gawin.

Magtanong.

Pero hindi ko ginagawa. Hindi naman ako maskhista. Ang totoo niyan, natatakot lang akong malaman ang katotohanan. Kapag pinakawalan ko mula sa aking mga labi ang mga salitang nagpapahiwatig ng katanungan, mapag-uusapan na namin ang lahat-lahat sa pamamagitan ng lahat-lahat ng sabay-sabay. Gusto kong malaman ang katotohanan pero hindi pa yata ako handa para dito.

Paumanhin kung napapadalas ang mga blog ko tungkol sa kanya. Kinakailangan ko lang talagang ilabas ang aking saloobin. At tinulungan ako ng Pilosopiya na mag-isip sa iba namang punto de bista.

Sa kabila ng mga ka-dramahan ko, nakatutuwa namang isipin na nagagamit sa buhay ang mga konsepto na pinag-aaralan sa unibersidad. Sana naman ay magawa ko rin ito sa ibang asignatura ko.

Hanggang sa muli.